Magsisimula na ngayong Abril ang taunang Operation Libreng Tuli ng Pamahalaang Lungsod ng Taguig, na layuning maghatid ng libreng serbisyong medikal sa mga kabataang lalaki sa lungsod. Inaasahang dadagsain ito ng mga residente mula sa iba’t ibang barangay, bitbit ang kanilang tapang at suporta ng mga magulang.

Narito ang iskedyul ng Operation Libreng Tuli 2025:


Abril 21 – Rizal Elementary School (Brgy. Rizal)

Abril 22 – Kapt. Eddie Reyes Integrated School (Brgy. Pinagsama)

Abril 23 – Pembo Elementary School (Brgy. Pembo at Brgy. Comembo)

Abril 24 – Ususan Elementary School (Brgy. Ususan)

Abril 25 – Nabua Covered Court (Brgy. Western Bicutan)


Mga Paalala para sa mga kalahok:

  • Onsite Registration: Magsisimula ng alas-6 ng umaga

  • Screening: Isasagawa mula alas-6 ng umaga hanggang alas-12 ng tanghali

  • Consent Form: Maaaring kunin sa barangay, kailangang maayos na sagutan at pirmado ng magulang o guardian

  • Kasama ang Magulang/Guardian: Mahigpit na kinakailangan ang presensya ng magulang o guardian ng batang tutulian


Mga Dapat Tandaan ng mga Bata:

  • Maligo bago pumunta sa venue

  • Kumain nang sapat bago sumailalim sa tuli

  • Magdala ng pansapin sa likod gaya ng lumang diyaryo, banig, o tuwalya


Patuloy ang pagsisikap ng lokal na pamahalaan ng Taguig na maisulong ang kalusugan at kapakanan ng mga kabataang Taguigeño.


Kaya naman, hinihikayat ang mga magulang na samahan at suportahan ang kanilang mga anak sa mahalagang hakbang na ito patungo sa mas malinis at mas responsableng pamumuhay.


ALSO IN TAGUIG


IMPORTANT NOTE: ang Taguigeño blog ay hindi konektado sa anumang account ng Taguig City government. Ito ay nabuo upang maghatid ng napapanahong balita at impormasyon para sa lahat ng Taguigeño.

Post a Comment