Isang malaking tulong para sa kababaihan ng Taguig! Sa ilalim ng programa ng pamahalaang lungsod, inilunsad ang “Super Serbisyo Para sa Ating mga Super Nanay” — isang komprehensibong programa na nagbibigay ng kumpleto at LIBRENG serbisyo medikal para sa mga buntis, ina, at kababaihan sa reproductive age.
PARA KANINO ITO?
Para sa lahat ng kababaihan ng Lungsod ng Taguig
Lalo na sa mga buntis at nasa reproductive age
MGA LIBRENG SERBISYO
1. PRENATAL SERVICES (Bago manganak)
- Prenatal check-up
- Breast at pelvic examination
- Tetanus toxoid para sa buntis
- Routine laboratory tests:
- CBC
- Blood typing
- Urinalysis
- Libreng multivitamins:
- Ferrous + Folic Acid
- Ascorbic Acid
- Calcium
- Antibiotics para sa UTI at iba pang impeksyon
- Screening para sa HIV, Syphilis, at Hepatitis B
- Swab test para sa buntis na 36 weeks pataas
- Libreng ultrasound (transvaginal, pelvic, BPS kung may indikasyon)
2. DELIVERY SERVICES (Panganganak sa Super Health Centers)
- Normal Spontaneous Vaginal Delivery para sa low-risk patients
- Newborn screening
- Essential Newborn Care
- Birth plan mula sa OB/GYN o midwife
- Dalawang blood donors
- PhilHealth card
- Valid government-issued ID
3. POSTNATAL SERVICES (Pagkatapos manganak)
- Postnatal check-up
- Bakuna para sa bagong silang at sanggol
- Pagsusuri ng BP pagkatapos manganak
- Pag-alis ng tahi para sa CS delivery
4. GYNECOLOGICAL SERVICES
- Konsultasyon para sa mga isyung gynecological
- Cervical screening (acetic acid test)
- Wound care at suture removal pagkatapos ng operasyon
- Transvaginal ultrasound
- PAP smear
- Paggamot sa cervical precancerous lesion (cryotherapy, thermal ablation)
5. FAMILY PLANNING SERVICES
- Counseling
- Pills
- DMPA injection
- Subdermal implant (insertion/removal)
- IUD (check-up, insertion/removal)
SAAN MAAARING MAKUHA ANG MGA SERBISYO?
Sa 33 Health Centers at 3 Super Health Centers ng Lungsod ng Taguig:
- North Signal SUPER Health Center – 0929 6420 874
- Central Bicutan SUPER Health Center – 0961 7044 387
- Ligid SUPER Health Center – 0956 7466 102 / 0961 7340 880
PARA SA KARAGDAGANG IMPORMASYON
Makipag-ugnayan sa pinakamalapit na Health Center o sa alinman sa Super Health Centers na nakalista sa itaas.
Sa Taguig, ang bawat Super Nanay ay may kaagapay sa bawat yugto ng pagiging ina. Libre. Kumpleto. Maasahan. Dahil sa Taguig, tunay na inuuna ang kalusugan ng kababaihan!
ALSO IN TAGUIG
IMPORTANT NOTE: ang Taguigeño blog ay hindi konektado sa anumang account ng Taguig City government. Ito ay nabuo upang maghatid ng napapanahong balita at impormasyon para sa lahat ng Taguigeño.
WHERE TO STAY IN TAGUIG:
TAGUIGENO IS NOW ON YOUTUBE!
Post a Comment