Bilang bahagi ng pagdiriwang ng Solo Parents Week, isang espesyal na Job Fair ang inihahandog ng City Social Welfare and Development Office (CSWDO) at Public Employment Service Office (PESO) para sa mga solo parent ng lungsod.
Gaganapin ang job fair sa darating na ika-25 ng Abril mula 9:00 AM hanggang 3:00 PM, sa Phase 2 Activity Area ng Vista Mall Taguig. Layunin ng aktibidad na mabigyan ng mas maraming pagkakataon ang mga solo parent na makahanap ng hanapbuhay at maitaguyod ang kanilang pamilya.
Paalala sa mga Aplikante
Upang maging mas mabilis ang proseso ng aplikasyon sa mismong araw ng job fair, hinihikayat ang lahat ng interesadong solo parent na magpa-pre-register online.
Paano mag-pre-register
- I-click ang link na ito: bit.ly/SoloParentTaguigJobFair2025
- O i-scan ang QR Code gamit ang inyong phone camera
- Sagutan ang online form kasama ang inyong email address
- I-click ang “Submit”, i-save ang screenshot ng confirmation at ipakita ito sa aming kinatawan sa event
Ang programang ito ay bahagi ng patuloy na pagsisikap ng Pamahalaang Lungsod ng Taguig na suportahan ang mga solo parent sa kanilang pang-araw-araw na buhay at kabuhayan.
ALSO IN TAGUIG
IMPORTANT NOTE: ang Taguigeño blog ay hindi konektado sa anumang account ng Taguig City government. Ito ay nabuo upang maghatid ng napapanahong balita at impormasyon para sa lahat ng Taguigeño.
WHERE TO STAY IN TAGUIG:
TAGUIGENO IS NOW ON YOUTUBE!
Post a Comment