Nagsimula na ngayong Sabado, Hulyo 27, ang pamamahagi ng mga libreng school supplies at uniporme sa mga pampublikong paaralan sa Lungsod Taguig.


Ang inisyatibong ito ay naglalayong tiyakin na lahat ng mag-aaral sa Taguig ay may kumpletong gamit para sa kanilang pag-aaral.

Sa programang ito, lahat ng mag-aaral sa Taguig ay makakatanggap ng kumpletong set ng school supplies at uniporme.


Nagkaroon ng ilang pagbabago sa kabuuan, disenyo, at materyal na ginamit para sa mga school supplies at uniporme base sa feedback mula sa mga estudyante, magulang, at guro noong nakaraang school year. Layunin nitong mas mapaganda at mas maging kapaki-pakinabang ang mga gamit para sa mga estudyante.


Upang maging maayos ang pamamahagi, ang mga school supplies at uniporme ay ibibigay sa bawat class adviser ng kani-kanilang silid-aralan. Ang bawat paaralan sa Taguig ay magkakaroon din ng libreng alteration services upang matiyak na sakto ang sukat ng mga uniporme. Para sa mga nais mag-avail ng libreng serbisyong ito, maaaring mag-fill out sa link na ito o i-scan ang QR code na makikita sa kanilang mga paaralan.


Pinahahalagahan ng Lungsod Taguig ang mga pananaw at mungkahi ng komunidad. Hinihikayat ang lahat na magbigay ng feedback tungkol sa pamamahagi ng mga school supplies at uniporme sa pamamagitan ng link na ito o sa pamamagitan ng pag-scan ng QR code na makikita sa kanilang mga paaralan.


Ang inisyatibong ito ay bahagi ng patuloy na pagsusumikap ng pamahalaan ng Taguig na mabigyan ng de-kalidad na edukasyon at suporta ang mga mag-aaral sa lungsod. Tinitiyak ng lokal na pamahalaan na ang bawat mag-aaral ay handa at may sapat na kagamitan para sa darating na pasukan.

Para sa karagdagang impormasyon at katanungan, maaaring makipag-ugnayan sa inyong mga paaralan o bisitahin ang opisyal na website ng Lungsod Taguig.


ALSO IN TAGUIG


IMPORTANT NOTE: ang Taguigeño blog ay hindi konektado sa anumang account ng Taguig City government. Ito ay nabuo upang maghatid ng napapanahong balita at impormasyon para sa lahat ng Taguigeño.

Post a Comment