Nag-iisip ka bang kumuha ng PWD ID sa Taguig? Basahin ang guide na ito.


Ano ang PWD ID?

Ang PWD ID o Persons with Disabilities Identification Card ay isang opisyal na dokumento na ibinibigay sa mga taong may kapansanan o disability sa ilalim ng batas ng maraming bansa. Ito ay naglalaman ng impormasyon ng may kapansanan tulad ng uri ng kapansanan at iba pang detalye na maaaring makatulong sa pagbibigay ng tamang serbisyo at benepisyo sa may kapansanan. Sa maraming lugar, ang pagkakaroon ng PWD ID ay maaaring magbigay ng mga benepisyo tulad ng diskwento sa mga produkto at serbisyo, espesyal na pribilehiyo, at iba pang tulong na pangkapansanan mula sa pamahalaan at iba pang sektor.



REQUIREMENTS FOR DISABILITY CARD

Narito ang mga requirements para makakuha ng Disability ID o PWD ID sa Taguig:


FOR NEW APPLICANTS

Ito ang mga requirements kung hindi ka pa nagkaroon ng PWD ID:

1. Duly accomplished PDAO Application form
2. Duly accomplished DOH-PRPWD Form
3. Latest 1x1 and 2x2 ID pictures
4. Latest Barangay Clearance or any Government Issued ID with the same address
5. Authorization Letter if the applicant is not available
6. School ID or Birth Certificate if applicant is still a minor
7. For Apparent Disability - Certification from PDAO
8. For Non-Apparent Disability - Certification from Medical Specialists for special cases and any government and private doctors for other cases. Applicant for visual disability should bring certification issued by an Ophthalmologist


RENEWAL

Narito naman ang requirements kung ikaw ay magre-renew:

1. Duly accomplished PDAO Application form
2. Duly accomplished DOH - PRPWD form 
3. Latest 2x2 ID picture
4. Old/ Expired Disability ID

PAALALA: Ang PWD ID ay may hanggang 5 taon na epektibo sa kasalukyan. Kapag lumagpas na ito sa 5 taon ay kailangan mo na itong ipa-renew.


REPLACEMENT

Kung nawala mo naman ang iyong PWD ID at kailangan mo itong papalitan, narito ang kailangan mong gawin:

1. Duly accomplished PDAO Replacement form
2. Latest 2x2 ID picture
3. Affidavit of Loss



CHANGE OF STATUS

Kung kailangan mo namang i-update ang marital status mo sa ID ay narito ang mga hakbang na kailangan mong sundin:

1. Duly accomplished PDAO Replacement form
2. If newly married - Photocopy of Marriage Certificate
3. If annulled - Annotated Marriage Certificate issued by PSA
4. If widowed - Death Certificate of Spouse


CHANGE OF ADDRESS

Para naman sa pag-a-update ng address, narito ang kailangan mo:

1. Duly accomplished PDAO Replacement form
2. Original copy of Barangay Clearance
3. Old Disability ID



SUBMISSION OF REQUIREMENTS

Maaring isumite ang mga requirements sa: Persons with Disabilities Office (PDAO) - Ground Flr. R. Papa Bldg. Taguig City Hall Compound, Brgy. Tuktukan, Taguig City. • Tel no: 8642- 3590 
MONDAY to FRIDAY, 8:00 AM - 5:00 PM ng (maliban kung piyesta opisyal o suspendido ang pasok sa opisina)


Para sa iba pang kaalaman, maaring bisitahin ang opisyal na Facebook page ng Persons with Disabilities Affairs Office-Taguig


ALSO IN TAGUIG


IMPORTANT NOTE: ang Taguigeño blog ay hindi konektado sa anumang account ng Taguig City government. Ito ay nabuo upang maghatid ng napapanahong balita at impormasyon para sa lahat ng Taguigeño.

Post a Comment