Naging mainit na paksa ang e-trikes sa mga usapin sa social media, kabilang ang Facebook, lalo na ang kanilang paggamit sa mga highway at pangunahing kalsada.
Noong Pebrero 18, inanunsyo ng Pamahalaan ng Lungsod ng Taguig ang mga alituntunin sa paggamit ng mga e-trike sa lungsod para sa kaligtasan ng lahat ng mga gumagamit ng kalsada.
Upang tiyakin ang kaligtasan at kaayusan sa mga kalsada, ipinatutupad na ng mga awtoridad ang mahigpit na regulasyon para sa mga e-trike batay sa LTO Administrative Order 2021-039.
Nagsasaad ang nasabing kautusan ng mga mahahalagang patakaran na dapat sundin ng mga gumagamit at may-ari ng e-trike:
1. Ang e-trike ay ipinagbabawal na dumaan sa mga national roads tulad ng C6, C5, at Kalayaan Avenue maliban kung tatawid lamang ito.
2. Bawal gamitin ang e-trike bilang pampublikong transportasyon. Ito ay limitado sa personal na gamit lamang.
3. Bawal baguhin ang disenyo ng e-trike gaya ng paglalagay ng sidecar.
4. Siguraduhing may suot na helmet ang bawat sakay at drayber ng e-trike.
5. Sa kanang bahagi ng kalsada dapat dumadaan ang e-trike. Ito ay upang maiwasan ang paghadlang sa ibang sasakyan at mapanatiling maayos ang daloy ng trapiko.
6. Maaring gamitin ng e-trike ang bikelane ngunit dapat nitong panatilihin ang mabagal na takbo at bigyang prayoridad ang mga namimisikleta.
Ang kooperasyon at pang-unawa ng publiko ay mahalaga upang matiyak ang kaligtasan at kaayusan sa mga kalsada.
Mahigpit na ipinapaalala na mayroong karampatang parusa ang hindi sumusunod sa mga patakaran na ito.
Sa pamamagitan ng pagtutulungan at pagsunod sa mga regulasyon, layon nating makamtan ang ligtas at maayos na paglalakbay para sa lahat.
Para sa tanong, reklamo o suhestyon, tumawag sa 02-8640-7006, o bisitahin ang www.tinyurl.com/TaguigEtrikeFeedbackForm
ALSO IN TAGUIG
IMPORTANT NOTE: ang Taguigeño blog ay hindi konektado sa anumang account ng Taguig City government. Ito ay nabuo upang maghatid ng napapanahong balita at impormasyon para sa lahat ng Taguigeño.
WHERE TO STAY IN TAGUIG:
TAGUIGENO IS NOW ON YOUTUBE!
Post a Comment