MGA PAALALA PARA SA PAMASKONG HANDOG DISTRIBUTION
1. Ang bawat pamilyang Taguigueño ay makakatanggap ng Noche Buena packages ngayong Pamaskong Handog 2023.
2. Para sa mga senior citizens, Persons with Disabilities, at mga buntis, ihahatid ng pamahalaang lungsod sa inyong mga bahay ang inyong Pamaskong Handog 2023 simula November 20. Sila ang ituturing na head of the family para sa Pamaskong Handog.
3. Ipresenta ang inyong ticket sa BAO officers upang makapasok sa distribution venue. No ticket, no entry.
4. Ipinagbabawal ang pagpasok ng mga bata sa ating mga distribution venues para na rin sa kanilang kaligtasan.
5. Asahan ang maraming tao sa venues. Lawakan ang pang-unawa at habaan ang pasensya.
6. Kung hindi nabigyan ng ticket o hindi nakakuha ng Pamaskong Handog sa inilaang schedule, maaaring pumunta sa claiming venues na ito o tumawag sa kanilang hotlines:
District 1 - Ususan District Office
0962-635-5962
District 2 - Central Signal District Office
0962-635-5961
7. Bibigyan ng isang linggo (kasama ang Sabado at Linggo) ang lahat ng hindi nakakuha ng Pamaskong Handog packages para i-claim ang mga ito sa mga nakatakdang venues.
8. May pagbabago ng lugar para sa pamimigay ng Pamaskong Handog sa Brgy. San Miguel at Brgy. Wawa. Sa halip na sa Fisher Valley College, gagawin na ito sa Eusebio Elementary School.
9. Ang petsa naman ng pamimigay para sa mga barangay ng South Signal, Katuparan, Central Signal, at North Signal ay ginawang mas maaga. Gagawin ito sa Nobyembre 26 sa halip na Disyembre 9 na unang inanunsyo.
10. Samantala, ang beripikasyon ng mga pamilya mula sa EMBO barangays ay nagpapatuloy. Agad na ipamamahagi ang claim stubs matapos ang beripikasyon.
Para sa iba pang katanungan tungkol sa Pamaskong Handog, maaring tumawag sa hotline numbers na ito: 0962-635-5956/ 0962-635-5953/ 0962-635-5951/ 0962-635-5950 o magpunta sa Barangay Affairs Office (BAO) sa inyong barangay.
I-click ang link o i-scan ang QR Code para sa address at contact number ng BAO satellite offices sa bawat barangay.
ALSO IN TAGUIG
IMPORTANT NOTE: ang Taguigeño blog ay hindi konektado sa anumang account ng Taguig City government. Ito ay nabuo upang maghatid ng napapanahong balita at impormasyon para sa lahat ng Taguigeño.
WHERE TO STAY IN TAGUIG:
TAGUIGENO IS NOW ON YOUTUBE!
Post a Comment