Pinautang ni Cristy si Joy. Kinalaunan, ayaw nang magbayad ni Joy. Ang katuwiran niya: Wala silang pinirmahang kasulatan. Makakasingil pa ba si Cristy?
Si Cristy ay maaari pa ring makasingil. Ang isang tao na nagpautang ng walang kasulatan ay may anim (6) na taon para isampa sa korte ang paniningil ng utang.
Maliban sa kasunduan na nakapaloob sa isang kasulatan, ang utang ay mapapatunayan sa pamamagitan ng mga:
1. Liham
2. Email
3. Text message
4. Mga mensahe sa social media
5. Prueba ng pagbayad katulad ng tumalbog na tseke o transaction statements
6. Testimonya ng isang saksi ng naganap na transaction
(Paalala: Ang impormasyong ito ay pang-edukasyon lamang. Pinapayuhan po naming kayong mag-konsulta pa rin sa mga ganap na abogado para sa legal na payo sa inyong kaso.)
Kung may problemang legal, i-kunsulta mo sa CELO!
Ang Libreng Payong Legal ay libreng face-to-face legal consultation para sa mga residente ng City of Taguig. Ito po ay ginaganap tuwing M-W-F, mula 3-5pm, sa 4th flr. ng Taguig City Hall. Limitado po ang slots. Kaya mas mabuti po ang magpa-book ng appointment habang maaga. Hanapin lang po ang “Book Now” button sa bandang itaas ng aming FB Page. Sa appointment request, i-type po ang buong pangalan at ilagay sa “Add notes” ang inyong problemang legal.
ALSO IN TAGUIG
IMPORTANT NOTE: ang Taguigeño blog ay hindi konektado sa anumang account ng Taguig City government. Ito ay nabuo upang maghatid ng napapanahong balita at impormasyon para sa lahat ng Taguigeño.
WHERE TO STAY IN TAGUIG:
TAGUIGENO IS NOW ON YOUTUBE!
taguig venice, taguig history, taguig bgc, taguig city barangays, taguig city hall, taguig city map, taguig tourist spot, taguig city hall phone number
Post a Comment