Kung ang iyong nakaalitan ay nakatira sa inyong siyudad or bayan, maari kang magsampa ng reklamo sa Barangay sa pamamagitan ng Katarungang Pambarangay, maliban sa mga sumusunod na pagkakataon:
• Kung ang nirereklamo ay ahensiya ng gobyerno;
• Ang iyong nakaalitan ay isang kawani ng gobyerno at ang iyong reklamo ay patungkol sa kanyang responsibilidad sa gobyerno;
• Kung ang nirereklamo ay isang korporasyon;
Labor cases;
• Ang iyong nakaalitan ay maaring mahatulan ng 1 taong pagkakabilanggo o fine na lalagpas sa Limang Libong Piso (P5,000.00).
Ang Lupong Tagapamayapa, ang pangkat na dudulog sa iyong kaso, ay magiisyu ng “Certificate to File Action” o CFA sa nagreklamo kung ito ay nararapat.
Ang CFA ay iyong gagamitin kung ikaw ay magfa-file ng kaso sa Prosecutor’s Office o sa Korte.
Sa Prosecutor’s office ang filing ng mga kasong criminal kagaya ng pagnanakaw, pagsira sa ari-arian, pananakit at iba pa.
Sa Korte ang filing ng mga kasong sibil kagaya ng kolekyon ng utang, alitan sa lupa, at iba pa.
Kapag kawani ng pamahalaan ang iyong irereklamo at ang iyong reklamo ay patungkol sa kanyang tungkulin, maaring magsumite ng reklamo sa Human Resource Management Office kung saan nabibilang ang nasabing kawani.
(Paalala: Ang impormasyong ito ay pang-edukasyon lamang. Pinapayuhan po naming kayong mag-konsulta pa rin sa mga ganap na abogado para sa legal na payo sa inyong kaso.)
Kung may problemang legal, i-kunsulta mo sa CELO! Ang Libreng Payong Legal ay libreng face-to-face legal consultation para sa mga residente ng City of Taguig. Ito po ay ginaganap tuwing M-W-F, mula 3-5pm, sa 4th flr. ng Taguig City Hall. Limitado ang slots. Kaya mas mabuti kung mag-book ng appointment habang maaga. Mag-message sa aming FB Messenger para mag-request ng appointment.
ALSO IN TAGUIG
IMPORTANT NOTE: ang Taguigeño blog ay hindi konektado sa anumang account ng Taguig City government. Ito ay nabuo upang maghatid ng napapanahong balita at impormasyon para sa lahat ng Taguigeño.
WHERE TO STAY IN TAGUIG:
TAGUIGENO IS NOW ON YOUTUBE!
taguig venice, taguig history, taguig bgc, taguig city barangays, taguig city hall, taguig city map, taguig tourist spot, taguig city hall phone number
Post a Comment