Hindi nakakabayad ng upa si Martin. Pwede bang pwersahing alisin ng landlord ang mga gamit ni Martin sa apartment?


Mainam na magbigay ng kaukulang sulat o demand letter to Pay and Vacate ang landlord at magpunta sa Barangay para sa paguusap.

Kung may nakasaad sa sulat kasunduan na pumapayag ang nagungupahan sa ganitong kondisyon na binibigyan ng awtoridad ang may-ari ay puwede itong katibayan ng may-ari sa ginawang pagtangal ng gamit.


Kung walang sulat kasunduan, hindi ito maaaring gawin. Tanging ang korte lamang ang pwedeng magbigay ng awtoridad kung sakaling may kasong isinampa laban sa nangungupahan.

(Paalala: Ang impormasyong ito ay pang-edukasyon lamang. Pinapayuhan po naming kayong mag-konsulta pa rin sa mga ganap na abogado para sa legal na payo sa inyong kaso.)


Kung may problemang legal, i-kunsulta mo sa CELO! Ang Libreng Payong Legal ay libreng face-to-face legal consultation para sa mga residente ng City of Taguig. Ito po ay ginaganap tuwing M-W-F, mula 3-5pm, sa 4th flr. ng Taguig City Hall. Limitado ang slots. Kaya mas mabuti kung mag-book ng appointment habang maaga. Mag-message sa aming FB Messenger para mag-request ng appointment.


ALSO IN TAGUIG


IMPORTANT NOTE: ang Taguigeño blog ay hindi konektado sa anumang account ng Taguig City government. Ito ay nabuo upang maghatid ng napapanahong balita at impormasyon para sa lahat ng Taguigeño.
taguig venice, taguig history, taguig bgc, taguig city barangays, taguig city hall, taguig city map, taguig tourist spot, taguig city hall phone number


Post a Comment