Mag-file si Sandra ng small claims sa Metropolitan Trial Court (MeTC) Taguig kung ang kabuuang halaga ng utang ni Edwin ay hindi lalagpas sa isang (1) Milyong piso, hindi kasama ang interes at iba pang gastos. Hindi siya maaaring magsama ng abogado sa pagdinig.
Paano simulan ang small claims?
1. Magbigay ng demand letter sa taong sinisingil, at itago ang katibayan ng pagpapadala at pagkatanggap nito.
2. Kung kayo ay nakatira sa iisang munisipyo or lungsod, subukan munang makipag-usap sa tao o mga taong sinisingil sa Barangay upang subukang ayusin ang usaping legal ayon sa Katarungang Pambarangay Law. Kung hindi naayos sa barangay, ikaw ay makakatanggap ng Certificate to File Action mula sa naganap na Barangay Conciliation o Katarungang Pambaranagay.
3. Humingi sa MeTC ng Statement of Claims Form (Form 1-SCC) at punan ang mga impormasyong hinihingi nito. Maari ding ma-download ang form sa internet.
4. Kung ikaw ay wala pa sa labingwalong (18) taong gulang, ang iyong magulang o ang iyong legal na tagapag-alaga ang magsasampa ng pagsingil para sa iyo.
5. Gawan ng kopya ang lahat ng pahina ng Form 1-SCC at ng iyong mga pang-alalay na dokumento. Ang dami ng kopya ay dapat kasing dami ng mga hinahabla.
6. Kailangan na ang Form 1- SCC at lahat ng kalakip na pang-alalay na dokumento, pati ang mga kopya nito, ay nilagdaan at sinumpaan sa harap ng notary publiko o Clerk of Court ng Office of the Clerk of Court kung saan isasampa ang kaso o Branch Clerk of Court o Punong Barangay.
6. I-file ang Statement of Claim with Verification and Certification Against Forum Shopping, Splitting a Single Cause of Action, and Multiplicity of Suits (Form 1-SCC) kasama ang Certificate to File Action, at iba pang dokuumento at katibayan na sumusuporta sa iyong pagsingil, tulad ng pirmadong kasulatan at kontrata, katibayan ng pagkakautang, mga tseke, mga resibo, salaysay ng mga saksi/testigo, at iba pang importanteng dokumento. Ito ay kailangang i-file sa MeTC kung saan ka o ang hinabla ay nakatira, o kung sakali man na ang hinabla ay hindi residente, sa MTC o MeTC sa lugar kung saan siya matatatagpuan.
7. Bayaran ang karampatang filing fees, maliban kung ikaw ay pinayagan ng Executive Judge na makapagsampa ng kaso bilang indigent o isang taong walang sapat na kabuhayan.
8. Alamin ang araw at oras ng pagdinig mula sa hukuman kung saan ang iyong kaso ay naitalaga.
(Paalala: Ang impormasyong ito ay pang-edukasyon lamang. Pinapayuhan po naming kayong mag-konsulta pa rin sa mga ganap na abogado para sa legal na payo sa inyong kaso.)
Kung may problemang legal, i-kunsulta mo sa CELO! Ang Libreng Payong Legal ay libreng face-to-face legal consultation para sa mga residente ng City of Taguig. Ito ay ginaganap tuwing M-W-F, mula 3-5pm, sa 4th flr. ng Taguig City Hall. Limitado ang slots. Kaya mas mabuti kung mag-book ng appointment habang maaga. Mag-message sa aming FB Messenger para mag-request ng appointment.
ALSO IN TAGUIG
IMPORTANT NOTE: ang Taguigeño blog ay hindi konektado sa anumang account ng Taguig City government. Ito ay nabuo upang maghatid ng napapanahong balita at impormasyon para sa lahat ng Taguigeño.
WHERE TO STAY IN TAGUIG:
TAGUIGENO IS NOW ON YOUTUBE!
taguig venice, taguig history, taguig bgc, taguig city barangays, taguig city hall, taguig city map, taguig tourist spot, taguig city hall phone number
Post a Comment