Kung ang bentahan ang dahilan sa pagpapalipat ng titulo ng lupa, kailangan bayaran ang mga sumunod na buwis: Capital Gains Tax (CGT), Documentary Stamp Tax (DST), at ang Transfer Tax. Ang bentahan ng lupa ay dapat nakapaloob sa Notaryadong Instrumento ng Kasulatan alinsunod sa batas. 



Ang Capital Gains Tax (CGT) ay dapat bayaran ng nagbenta ng lupa sa loob ng tatlumpong araw (30 days) mula sa bentahan ng lupa.

Ang Documentary Stamp Tax (DST) ay dapat bayaran sa loob ng limang araw (5 days) mula sa pagsasara ng buwan (after the close of the month). Ito ay dapat bayaran ng kung sino man ang nakapirma sa instrumento ng kasunduan ng pagbebenta, depende sa napagkasunduan.



Ang Capital Gains Tax (CGT) at ang Documentary Stamp Tax (DST) ay parehong binabayaran sa Revenue District Office (RDO) ng Kawanihan ng Rentas Internas o ang Bureau of Internal Revenue (BIR) na nakakasakop sa lokasyon ng binentang lupa at ito din ay maaring bayaran sa mga bangko na awtorisado ng nasabing Kawanihan.

Mangyaring kumuha muna ng komputasyon ng buwis sa nasabing RDO para malaman ang halaga ng babayaran. Kailangan magbayad sa takdang panahon para hindi mapatawan ng interest at charges.

Ang Transfer Tax ay binabayaran sa Tesorero ng Lungsod. Ito ay dapat bayaran ng nagbenta ng lupa sa loob ng animnapung araw (60 days) mula sa ehekusyon ng kontrata ng bentahan. At kailangan magbayad sa takdang panahon para hindi mapatawan ng interest o charges. Mangyaring siguraduhing bayad ang amilyar ng lupa (Real Property Tax) at walang kakulangang bayarin, para ma-isyuhan ng Real Property Tax Clearance, dahil isa ito sa rekisito na dokumento para mabayaran ang Transfer Tax at malipat ang Deklarasyon ng Buwis o Tax Declaration sa bagong mag-ma-may-ari ng lupa.


Datapwat may mga nakasaad sa batas na kung sino ang dapat magbayad na mga nasabing buwis, ito ay hindi hadlang sa nagbebenta at bumibili na mapagkasunduan kung sino sa kanila ang magbabayad ng mga ito.

Matapos bayaran ang mga nasabing buwis, ang mga kopya ng resibo nito ay dapat dalhin sa Revenue District Office (RDO) ng Kawanihan ng Rentas Internas o ang Bureau of Internal Revenue (BIR) na nakakasakop sa lokasyon ng binentang lupa para makakuha ng Certificate Authorizing Registration (CAR). Ang na-isyu na CAR kasama ang mga kopya ng resibo ng mga nabanggit na buwis at iba pang dokumento ng bentahan ay dadalhin naman sa Register of Deeds na nakakasakop sa binentang lupa upang malipat na ang titulo.

Kapag nakuha na ang bagong titulo ng lupa na nakapangalan na sa bagong may-ari ang kopya nito, kasama ang kopya ng CAR, resibo ng mga binayarang buwis, at iba pang mga dokumento ng bentahan ay dadalhin sa Tanggapan ng Asesor ng Lungsod o City Assesor’s Office upang ilipat ang Deklarasyon ng Buwis o Tax Declaration sa pangalan ng bagong may-ari.

(Paalala: Ang impormasyong ito ay pang-edukasyon lamang. Pinapayuhan po naming kayong mag-konsulta pa rin sa mga ganap na abogado para sa legal na payo sa inyong kaso.)

Kung may problemang legal, i-kunsulta mo sa CELO! Ang Libreng Payong Legal ay libreng face-to-face legal consultation para sa mga residente ng City of Taguig.

Ito po ay ginaganap tuwing M-W-F, mula 3-5pm, sa 4th flr. ng Taguig City Hall. Limitado ang slots. Kaya mas mabuti kung mag-book ng appointment habang maaga. Mag-PM sa CELO FB Messenger para mag-request ng appointment. 


ALSO IN TAGUIG


IMPORTANT NOTE: ang Taguigeño blog ay hindi konektado sa anumang account ng Taguig City government. Ito ay nabuo upang maghatid ng napapanahong balita at impormasyon para sa lahat ng Taguigeño.
taguig venice, taguig history, taguig bgc, taguig city barangays, taguig city hall, taguig city map, taguig tourist spot, taguig city hall phone number


Post a Comment