Nilagdaan nina Mayor Lani Cayetano at Pasig City Mayor Vico Sotto ngayong araw, Hulyo 20, ang isang Memorandum of Agreement tungkol sa mga Tricycle Operators and Drivers Association ng parehong lungsod.


Ito ay ginanap sa boundary ng Taguig at Pasig, sa pagtatagpo ng T. Rayos Street ng Taguig at Visitacion Street ng Pasig. 


Sa ilalim ng kasunduan, binibigyang pahintulot ng lungsod ng Taguig ang mga tricycle operators ng Pasig na maghatid ng mga mananakay mula sa Pasig (point of origin) papunta sa piling drop-off points sa lungsod ng Taguig.


Ang mga drop-off points sa Taguig ay sa: 
  • Taguig City Hall
  • Brgy. Ususan
  • Brgy. Napindan
  • Tipas
  • Brgy. Tuktukan,
  • Brgy. Bambang

Samantalang maari namang maghatid ang tricycle operators ng Taguig mula sa ating lungsod papunta sa mga piling drop-off points sa Pasig: 
  • Brgy. Buting
  • Immaculate Conception Cathedral Parish
  • Kalawaan
  • Pasig Mega-Market 
  • Meralco-Sagad

Limitado lamang sa paghahatid sa magkabilang siyudad ang pinapahintulutang gawin ng mga TODA. Hindi pinahihintulutang magsakay ng pasahero ang mga TODA sa Taguig sa loob ng Pasig at vice versa.

Sa pambungad na pananalita ni Mayor Vico ay pinasalamatan niya lahat ng taong kumilos upang maging posible ang kasunduang ito, kasama ang mga nakipagtulungan sa kanila mula sa pamahalaang lungsod ng Taguig.

“Patunay lang po ito na kung magtutulungan po ang iba’t ibang lokal na pamahalaan ay mas magiging maganda po para sa ating mga nasasakupan,” ani Mayor Vico.

Binigyang-diin din ni Mayor Lani Cayetano ang pagtutulungan sa pagitan ng mga lokal na pamahalaan bilang mandato mula sa kanilang mga nasasakupan. 

“Kagaya ho ni Mayor Vico, ipinagpapasalamat natin ang isang magandang halimbawa ng pag-uugnayan ng mga lokal na pamahalaan. Tunay na sa mahinahong pag-uusap at koordinasyon, ‘yung mga pagkakaiba ay pwedeng mapag-isa, hindi ho ba? ‘Yun pong mga hindi pagkakasundo, kapag natatalakay, nasosolusyonan,” sabi ni Mayor Lani.

Layunin ng kasunduang ito na mas mapadali ang pagtawid ng mga pasahero sa parehong lungsod at maiwasan ang pagdodoble ng sakay na nangangahulugan naman ng dobleng pamasahe sa mga mananakay. 

Bahagi ng Transformative, Lively at Caring City agenda ni Mayor Lani ang pagpapadali sa pagbiyahe ng mga Taguigueño papasok at palabas ng Probinsyudad.


ALSO IN TAGUIG


IMPORTANT NOTE: ang Taguigeño blog ay hindi konektado sa anumang account ng Taguig City government. Ito ay nabuo upang maghatid ng napapanahong balita at impormasyon para sa lahat ng Taguigeño.
taguig venice, taguig history, taguig bgc, taguig city barangays, taguig city hall, taguig city map, taguig tourist spot, taguig city hall phone number


Post a Comment